9/11
September 11, 2006 by Raymond
September 11, 2001…
Grabe ano, ang bilis ng panahon. Akalain mo ba namang 5 years na mula nung nangyari yun. Naaalala ko pa, parang ordinary day lang yun. Tapos bigla nalang may lumitaw sa news na yun na nga, yung Twin Towers daw…binomba. Nagkagulo. Bumagsak. And the rest is history. Kawawa naman sila. Kawawa naman tayo. Haaaaaaay.
Napanood ko kagabi sa ABS-CBN yung 9/11: The Philippine Connection. Napakagaling na presentation! This is one of the best documentaries I have ever seen sa ABS. Ang galing ni Maria Ressa. At yung topic, katakutakot! Kinilabutan ako sa mga napanood ko. Ang daming shocking revelations like yung balak mangyari ng mga terrorists nung World Youth Day 1995, tapos yung pasasabugin daw nila lahat ng eroplano na papunta sa USA galing Pilipinas (Bojinga), and then yung mga tao sa likod ng lahat ng bagay na yan na talagang tumira pa sa Pilipinas, etc. Grabe, nakakatakot talaga! Isipin mo kung nangyari lahat yung mga plano nila, at kung walang pumalpak. Edi, (MAS) maraming buhay sana ang nawala. Nakakapanghina ano? Pero may mas lalo pang nakakapanghina dun. Nalungkot talaga ako dun sa part na tumawag sa 9-1-1 yung isang employee na nagtatrabaho dun sa World Trade Center – 83rd floor, pagkatapos tamaan ng eroplano yung building.. Nagkukwento sya na sobrang init daw, para na silang nasusunog tapos hindi na raw nila kaya. Nanghihingi na sila ng tulong. Then biglang napasigaw sya, tapos nadrop yung line…nagcollapse na yung building. Wala na. So many lives wasted. ;(
Dahil sa mga terrorist attacks na yan, mapapaisip ka tuloy na wala na talagang safety sa mundong ‘to. Kasi biruin mo, kahit saan ka pumunta, wala ka paring kawala eh. Pero bakit kaya ganun nalang yung galit nila? At dumating pa talaga dun sa punto na kailangan na nilang pumatay ng tao…at hindi lang isa, marami pa. Sana matigil na lahat ‘to ano? Ang lungkot kasi isipin na kailangan pa magsuffer ng mga inosente dahil lang sa kagagawan ng ibang tao. Kaya the best and only thing that we can do right now is to pray. Yun lang ang pinaka-powerful na panlaban natin.
“What shall we then say to these things?
If God be for us, who can be against us?”
Romans 8:31
Posted in Uncategorized | No Comments Yet
Leave a Reply