Syempre magnu-new year na, what do you expect?! Edi, may new year’s resolution dapat! So bago pa man din mag-January 1, eto na’t hinanda ko na ang resolution ko…
2. Magtipid. Napagtanto ko na masyado na akong magastos lately. Nagiging impulsive na ako at maluho. Ang gagawin ko ngayon, magbubukas ako ng bank account. Kapag may extra money, diretso sa banko. At least diba, nakakaipon pa ako for the future.
3. Mag-focus sa studies. Naiinis na ako sa sarili ko kasi I tend to procrastinate most of the time. Yun bang, dapat gagawin ko sa ganitong oras mag-aaral ako ng lessons, pero iba ang ginagawa ko – mag-computer, manood ng tv, at kung anu-ano pa. Sobrang mali eh. Saka, hindi na pupwede ang procrastination procrastination na yan lalo pa’t magte-third year na ako, eh humihigpit at umiigting na pa naman ang labanan sa Pinoy Nursing Academy!!! Wekekek!
4. Maging organisado at maayos. Siguro oras na para naman gamitin ko ang pagiging OBSESSIVE-COMPULSIVE ko sa tamang lugar. Hahaha! Kasi naman, OC nga ako, pero ang kalat kalat naman ng kwarto ko, ang time table ko…hanggang kasulatan lang. Nyahahaha!
5. Magpakabait. Oo na, ang sama sama ko na. Hehe. Kaya babawas-bawasan ko na ang kasamaang ‘to. Mwahahaha!
6. Matutong pumatay ng ipis. Oo nga, we are called to be the stewards of creation, pero bakit ba naman kasi ginawa pa ang ipis?! Ano ba kasing silbi nya sa mundo?! Manakot ng tao? Wahahaha. Sa totoo lang, ayoko talagang pumatay ng ipis eh. Ayokong makita yung mga laman loob nya. Ewwww. Pero pagpapraktisan ko na ang laruang ipis ko dito. Hahahaha! *Eeeeeeek!!! May ipis! May ipis!* Yikes, totoo nga…may ipis nga dito sa kwarto ko! Lumilipad pa!!! Yaaaaakkk!!!
7. Magpakatino. Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw? Crispiiiiiiiiiin!!! Basiliooooooo??
8. Maging maingat sa lahat lahat – sa bagay, sa mga ginagawa – ah, lahat nga sabi eh! Nung bata ako, ako ang tagasira ng mga gamit sa bahay, mga laruan, etc. Kaya magiging maingat na ako. Susubukan ko na matutong pag-ingatan ang lahat ng mga bagay sa paligid ko, pati na rin mag-ingat sa lahat ng ginagawa ko sa buhay ko.
Yan na muna sa ngayon. Peste kasing ipis yan. Lipad ng lipad! Yaaaaks! Dumapo sakin! Dumapo sakinnnnnnn!!!! Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!

![The Greatest Mystery [in Color] The Greatest Mystery [in Color]](http://farm4.static.flickr.com/3608/3469092543_f719b6a36d_t.jpg)
![The Greatest Mystery [in Black & White] The Greatest Mystery [in Black & White]](http://farm4.static.flickr.com/3489/3469088707_f836e04cb8_t.jpg)


























