Bakit kaya…
December 31, 2006 by Raymond
Bakit ganun?! Puro kwitis ang paputok kanina dito sa lugar namin! Kwitis lang ng kwitis, kwitis lang ng kwitis. Sobrang maaliwalas yung kalangitan na parang hindi mo pa mararamdaman na new year na pala kung di lang dahil sa kaingayan ng mga kasambahay mo. Wahahahaha! Naghihirap na kaya ang Pilipinas? Takot lang kaya maputukan ang mga tao? Nagkukuripot kaya? O wala lang talagang nagbebenta ng mga mamahaling paputok? Maraming katanungan…wala namang sagot.
Kung sa tingin nyo alam ko ang sagot, nagkakamali kayo dahil hindi ko rin alam!!! At kung bakit ako nagtatanong ngayon, hindi ko rin alam!!!
Posted in Uncategorized | No Comments Yet
Leave a Reply