Haaaay…less than two hours na lang 2007 na!!! O sya, sya…NEW YEAR na nga, pero ang tanong…
NARARAMDAMAN NYO BA?!!
Mga Nagbabasa:
SO, MANHID KA PALA?!
Looking back…
Blog Entry: Hello 2006!
Whew! What a YEAR! Pano ba yan…
January 1 na… Ayos… 2006 na…
![]()
2005 had been quite a good year to me…
So many things happened… Parang ang bilis ano??? Parang kakanewyear lang.. tapos ayun… isang iglap lang, 2006 na… Haaay… Hoping for more blessings to come for me, my family, my friends and everybody this year of the Dog… Salamat… tumigil na ang mga putukang nangyayari dito… Hehehe…![]()
HAPPY NEW YEAR AGAIN TO ALL!!!
HELLO 2006!!!
Deym!
…….hehehehehehe…
01/01/06 – 1:26 AM
>>>Link
Moving on, bakit kaya ang aga aga pa eh ang dami na ng nagpapaputok? Mga HINDI MAKAPAGHINTAY! Hindi kaya advance lang ang relo nila?! Kasi naman, hindi pa nga nakakalapit ang kamay ng orasan sa alas onse y medya, sige na sa kapapaputok ng mga kwitis at kung anu-ano pa. Hindi ba nila alam na nakakabulaho sila? At hindi ba nila alam na ang laki-laki ng problema ko sa buhay ko at tinatanong ko ngayon kung bakit ang aga aga pa eh nagpapaputok na sila? Bakit nga kaya ang aga aga eh nagpapaputok sila? Hindi ba talaga nila alam na paulit-ulit na ako sa katatanong dito kung bakit ang aga aga eh nagpapaputok na sila? Bakit nga ba ang aga aga nilang nagpapaputok? Kasi naman eh, alam ba nila talaga? Sagutin nyo nga ako! Wahahahaha! *Dumudugo na ang ilong ko. EPISTAXIS!!!*
Speaking of paputok…nung bata pa ako, takot na takot ako sa mga yan. Talagang magkukulong ako sa bahay habang ang lahat ng miyembro ng pamilya namin nasa labas at nagsasaya. Talagang iiyak ako nyan at magwawala kapag nakarinig ako ng ‘BOOM! BOOM! BOOM!’. Ito ang number 2 sa listahan ng kinatatakutan ko noon, number 1 naman yung mascot sa McDonalds…yung si GRIMACE! *Yipes! Nakakatakot talaga yang GRIMACE na yan. Hindi ako tumigil sa kakaiyak nung una ko syang nakita!* Hahahaha. Simula nung kinalakihan ko na ang mga kinatatakutan kong yan, gustung-gusto ko na ng nakakakita ako ng fireworks, lalo na yung mga aerial aerial na lumilipad *Ano ba? Tama ba yan?! Aerial na nga, lumilipad pa!!!* at kung anu-anong kulay ang ibinubuga. Kaya talagang nagpapasalamat ako sa mga Intsik sa pag-imbento nila sa paputok eh. Paano kaya nila naisipang gumawa nun? Ang galing ano? Ü Ang problema nga lang, magastos masyado ang bumili ng magagandang paputok. Ang mahal mahal!!! Pero bakit kaya naging tradisyon na ng mga tao na magpaputok sa mga special occasions lalo na kapag Bagong Taon?
Mga Nagbabasa:
EDI PARA PANAKOT SA MULTO
AT SA MGA MASASAMANG
ESPIRITONG KATULAD MO!
Ouch, hindi naman. Personalan na yan ha! Joke. Panakot kanyo sa masasamang espirito? Bakit hindi nalang kaya UMUTOT *Pagpasensyahan nyo na yung term. Hahaha!* para talagang hindi makalapit ang bad spirits? Hindi na magastos, environmentally friendly na, AROMATIC pa! Hahahahaha! Tama na nga ‘to. Lumililis na ako sa usapan eh. Saka baka umabot pa sa North Pole ang haba nitong sinusulat ko! Basta, alam nyo na naman kung anong pinopoint out ko dito eh. Diba?
Mga Nagbabasa:
Ay HINDE, ANO YUN?!
Ilabas nyo na ang mga kwitis, lusis, labintador, plapla, darna, sinturon ni hudas, fountain, trompilyo, superlolo, boga, mga pamalo, kaldero’t kawali, at ihanda na ang biogas na namumuo riyan dahil sandali nalang at…

Ü

![The Greatest Mystery [in Color] The Greatest Mystery [in Color]](http://farm4.static.flickr.com/3608/3469092543_f719b6a36d_t.jpg)
![The Greatest Mystery [in Black & White] The Greatest Mystery [in Black & White]](http://farm4.static.flickr.com/3489/3469088707_f836e04cb8_t.jpg)


























