Within a span of more than 700 days, I have made a digital scrapbook of my life. Hindi biro yun ah. Kahit pa nung una, sobrang hindi pa ako marunong gumawa ng matinong blog entry. Akalain mo yun, I use text language pa! Haha. Ayoko mang balikan, well…it’s part of history…of the past! So it’s still part of me…of my life! Ay, kamusta!
Sa 2 years of blogging experience ko na ito, I have undergone many changes. Nag-start ako sa Blogger, lumipat ako sa Friendster TypePad, sinubukan ang Multiply, at bumalik na naman sa original bahay ko…ang Blogger. Tapos, sa changes, kasama din dun yung pag-gamit ko ng “text language” noon, na habang tumatagal, na-realize ko na sobrang pangit pala gumamit ng ganun. Basta kasi, yun…pangit. Hahahaha! Tapos nariyan din yung nag-shift ako sa English for a time, and then mix, tapos nag-English na naman, at bumalik na naman sa mix.
Sa blog traffic naman, patak patak lang. May times na mataas, may times na sobrang isa lang yung bumibisita sa isang araw. Hahaha! Pero ang masasabi kong pinaka-peak time ko sa traffic, yung nag-po-post ako ng PBB: Teen Edition videos noon. Sobrang nag-spike talaga yung counter ko nun. Tapos ngayon, balik patak patak na naman. Hay, kawawang buhay. Hahaha! Pero kontento naman ako sa kinalalagyan ng blog ko ngayon. At least masaya ako sa ginagawa ko diba?!
Nagpapasalamat ako sa pag-ba-blog kasi dahil dito, marami akong nakilalang ibang tao. Marami akong nakilalang mga kaibigan. Yung mga blog friends ko dyan sa TinkyLinkies, holler sa inyo!!! Hehe. Kahit papaano, nagsilbi silang impluwensya sa buhay ko. Salamat!!!
Sa dalawang taon na pinapatakbo ko ang bahay kong ito, sobrang naging colorful ng experience. Pero to sum it all up, masaya. Noong una, I was blogging about my life…pero nung kalaunan, I’ve realized na…blogging is my life na pala.

![The Greatest Mystery [in Color] The Greatest Mystery [in Color]](http://farm4.static.flickr.com/3608/3469092543_f719b6a36d_t.jpg)
![The Greatest Mystery [in Black & White] The Greatest Mystery [in Black & White]](http://farm4.static.flickr.com/3489/3469088707_f836e04cb8_t.jpg)



























cheeers pare! haha ^^ ika nga nila, kahit san-san ka pumunta, there’s no place like home d ba? oh ha
kahit nahuli ako sa pag change ng link mo, bumawi na rin sa pag bati ^^ ahihi. senxa na, ngayon lang ulit kasi ako bumalik sa blogging. anyway,
goodluck and more power sayo mond.
you still have a long way to go ^^ Godbless.
Thanks pare! Hahahaha.
Salamat talaga Ate Ruth! Good luck and more power din po. Take Care and God Bless. Muaaaah! Ü
Congrats Monching!
More fruitful blogging years to come!